Saturday, August 18, 2007
liham sa pangulo

Mahal na Pangulo
bakit mahal ang mga bilihin,
di mo nanaisin na tumira dito sa bayan natin/

Ang kinain ng mayaman tinatapon sa basura,
pinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmura/

Balahurang nahalal
kaban ng bayan isinugal,
isinambulat sa senado,
at sa dyaryo binulgar/

Napahiya’t ayaw umamin
na sila nag nakaw din, di lang sa pagkain
kundi sa pera ay matakaw rin/

At pagdating sa lupain
sila ay mga bwakaw din,
lahat inaangkin, kahit ano ay gagawin/

Mga sakim, ganid sa ginto
di makuntento sa milyon,
bilyon ang gusto kahit ang bayan ay baon/

sa utang at sa kangkungan pupulutin,
tanong ko lang sa inyo
mahal niyo ba ang bayan natin?/

O mahal na Pangulo
paano na ang Pilipinas?
Lantarang pagnanakaw araw araw nililimas/
Ubos


-mula kay francism at stick figgas

-mj


Posted at 03:05 pm by miyaka_14
Make a comment  




Thursday, June 14, 2007
coffee and chaos : ang pagkamatay ng ideyalismo

Unti-unti akong pinapatay ng aking konsensiya.
Halos masuka-suka na ako sa aking ginagawang job-hunting,
paglipat-lipat ng opisina sa Ortigas
 para sa mga job interview,
at pagikot-ikot sa kagubatan ng Ayala.
 
Nakakahilo. Nakakapanghina. Nakakapanghinayang.
Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap
na ito ang naging kahinanatnan ko,
na sa di kalayuang panahon
magiging alipin rin pala ako
ng mga kapitalista.
 
Wala pa ring kawala.
Matapos ikasuklam, kalabanin,
banggain sa klasrum at lansangan
ang konsepto ng kapitalismo,
neo-kolonyalismo at ang
samu't saring manipestasyon nito sa Pilipinas,
 eto ako kumakatok sa pinto ng mga korporasyon,
naghahanap ng trabaho.
Nakakatawa kung tutuusin,
 parang isang absurdong bangungot.
 
"Welcome to the real world," sabi ng tibak kong kaibigan,
na ngayo'y isang disgruntled employee.
"Buti ka pa, papasok pa lang,
may panahon ka pang pumili at umayaw.
Samantala ako, wiz!
Heto, isang baklang nagpapakaputa.
Nakakatawa, bakla na nga, puta pa.
Mas keri pa nga kong tumalon na lang ako
mula sa tuktok churva ng building.
At least, namatay akong intact ang dignidad
at hindi nagpapalamon sa sistema."
Isa lang siya sa marami kong kakilala
na araw-araw, segu-segundo ay digmaan:
 digmaan sa pagitan ng kanilang pinaniniwalaan
at realidad.
 
At gaya sa rally
at malawakang pagkilos sa lansangan,
madugo at marahas ang bawat sagupaan.
Di mo malaman kung sino ang nagwagi,
kung sino ang talunan sa araw na iyon
dahil parehong ayaw magpatinag.
 
At sa paglubog ng araw,
may panibagong bukas namang kakalabanin,
may panibagong giyera.
Mahirap talaga mamuhay sa sinapupunan ng demonyo.
Pero ikanga ng bandang Garbage,
"the trick is to keep breathing."
 
"Pero makakaraos din tayo," seryoso niyang sinabi,
"hangga't buhay ang diwa sa iyong kaloob-looban,
hanggang naniniwala ka,
magkakaroon ka ng sapat na lakas
upang makayanan mong mabuhay dito sa mundo.
At ito ang katatandaan mo,
huwag na huwag kang magpapalamon.
Mabubulok ka lang sa sistema.
Remember Leo, darating din ang rebolusyon."
Darating din ang rebolusyon.
 
Bigla akong natahimik
at natulala nang narinig ko 'yon.
Darating din ang rebolusyon.
Parang isang himig na napakasarap pakinggan.
Pero kailan ito darating?
Buhay pa ba ako no'n?
Ano ang gagawin ko habang hinihintay ang rebolusyon?
Mahirap habulin ang isang mailap na pangarap.
Mahirap maniwala
sa isang ideolohiyang
kumukontra sa dominanteng hegemonya.
Mahirap baguhin ang sistema
kung kunti lang kayo at mardyinalisado.
Unti-unti ka kasi nilang sinasakal,
pinapatay 'di lang katawan pati diwa't kaluluwa,
pati panaginip.
 
Mahirap pala maging isang progresibong peti-burgis
ngayon sa panahon ng ligalig.
Ayoko ko kasi maging isang robot at alipin ng bundy clock.
Ayoko maging bahagi ng dambuhalang assembly line
ng mga kompanyang multi-national.
Ayoko maging sunod-sunuran sa mga alagad,
propeta at mga pantas ng kapitalismo.
Pero kahit saan man ako mapadpad,
nandoon sila, hinihikayat akong sumakay
sa kanilang magic carpet ride.
 
Sa madaling salita, ayoko maging isang makina.
Gusto kong manatiling isang tao.
Napagisip-isipan ko, heto na siguro ang hamon sa amin
sa kasalukuyan, paano kami mamumuhay
habang nakikipagsagupaan sa kalaban,
paano namin dadalhin ang laban sa pinili naming career,
paano namin ipagpapatuloy ang paggiba sa status quo,
sa dominante at mapang-aping sistema,
paano namin bubuwagin ang elite democracy,
paano namin ipaglalaban
ang mga mardyinalisadong sektor ng ating lipunan.
Isang malaking hamon na hindi namin pwedeng atrasan.
Madali lang ang buhay ko noong ako'y estudyante pa lamang.
Malayo kasi ako sa galamay ng kalaban,
prinoprotektahan pa ako ng mapagkalingang yakap ng akademya.
Pero ngayong ako'y parang isang sanggol na iniluwal sa mundo
nang walang kalaban-laban,
paano ako mamumuhay at makikipagtunggali
sa bago at mas malupit na tereyn ng kontensyon?
Gaya ng mga kaibigan ko,
araw-araw ko'y magiging isang digmaan na rin.
At habang ako'y unti-unting pinuputakte ng aking konsensiya,
magtitiis muna ako.
Magkukunwari, maghahanap, magpapatangay,
susuong sa rumaragasang agos ng buhay
habang unti-unti kong hinuhukay ang aking libingan.
 
Balang araw, makakalaya rin ako/tayo.
 
Balang araw.
 

-halaw sa isip ni apokalipso
-mj

Posted at 06:37 pm by miyaka_14
Make a comment  




Sunday, May 27, 2007
basura at trapo

nagkalat sa kapaligiran
nakakasuka ang mabahong amoy
larawang angkin ay nakaririmarim
lason sa lahat ang polusyong dala.

walang puso, walang damdamin
walang isip, walang pakiramdam
produkto ng kapalaluan na tao.

dulot daw ng makabagong kabihasnan
bahala ka dakilang dyos sa
kasalanang linikha.

problema ng kahat ang paghanap
ng mapagtatapunang lugar
sa lupa ba, sa dagat, sa ilog o sa langit?
sino ang dapat sisihin
sa kapariwaraang ating
nararanasan?

ngunit hindi kaya dapat
na ating unahing ihanap ng
mapagtatapunan
ang mga trapo na gayong kahit
mayroon silang isip, damdamin,
puso at pakiramdam
higit na pahirap, lason at
polusyon ang alay nila sa bayan.

-vic j. columna
panorama 200507


Posted at 10:52 am by miyaka_14
Make a comment  




Sunday, April 15, 2007
ironic

The clown cries.

The wailer laughs.

Life's a little too ironic!

-rinoa Shades


Posted at 03:56 pm by miyaka_14
Make a comment  




Friday, April 13, 2007
pagkalas

isandaan ang lumaban, daan libo ang nasawi...
sa baluktot na katwiran at labis na pagkukunwari...
walang habas na pagsupil sa mga karapatan...
ang pumunit sa durog nang puso't katawan...
 
itinaboy, itinakwil sa sariling lupa...
na dinilig ng pawis, dugo at luha...
nilansi ng mga pangako at platapormang hilaw...
damdaming inosente't sa pagkaahon ay uhaw...
 
sa kawalan ibinaling ang paningin...
doon sa dakong hindi mapapansin...
doon sa dakong walang makakakita..
nakabalatay sa mga matang puno ng pait at dusa...
 
-mj

Posted at 09:58 pm by miyaka_14
Make a comment  

daluyong

di ko halos madinig pati iniisip ko
sa lakas ng dagundong sa labas..
pero malinaw ang mensahe,
nag uumapaw ang palakat,panaghoy
at daing ng may kapangyarihan sa
pamamagitan ng mga kulog...
humihiwa naman at tumatagos sa
aking katawan ang bawat hagupit
ng matatalas na kidlat,pilit nitong
ipinapasok ang isang bahagi nya
sa king sarili at di ko na yata kakayanin pa...
bumaha na ng luha
sa lahat ng sulok ng lansangan,
patuloy na inaanod ang isang kahapon
patungo sa mas magandang bukas...

-mj


Posted at 12:59 am by miyaka_14
Make a comment  




Thursday, April 12, 2007
in the light of the day i trembled...

in the light of the day i trembled...
speak with me matilda; for i have no idea where to go...
show me the way lucilla; maybe that's what i'm looking for...
 
you caught me in a bad mood, i'm not gonna do it..
please me, whatever you want...
that's a lot now...maybe you can stop...
 
shower me all the love you can give, it won't change a thing
bring out the damageplan, we mean business now...
no one gets hurt, just stay put and calm...
 
i just can't believe it;
imagine that...what a brother-like treatment...
but that's ok man, i can always forgive...
 
but the names...yeahh,big problem...
stuck in my head...i will never forget...
 
come take a closer look...i'm feeling it already,
eating me alive...well,...pain?
it doesn't mean a thing...
i can't even feel it...
 
it's not a part of me...
i'm actually a part of it...
too bad...i wish i am it...
 
-mj

Posted at 01:41 am by miyaka_14
Make a comment  




Wednesday, April 04, 2007
papuntang kabila

 
tuluyan ng inagaw ng dilim ang dambuhalang liwanag...
tanging mumunting ilaw sa magkabilang panig ang nagsisilbing gabay...
 
maya maya'y maglalaho na din sila...
at ang lahat ay umaasa kay dakilang LUNA,ang hari ng gabi...
 
bumula ang karagatan sa patuloy na pag-usog ng higanteng bakal...
sari sari, kung anu-ano ang laman...pisikal, materyal pati damdamin...
 
lahat ay abala, sa panaginip man o realidad...
buo ang pag-asang mararating ng payapa at maluwalhati ang kabilang pampang...
 
nagising na ang mga bantay dagat, isa-isang sumabay sa higanteng bakal...
inaaliw ang mga may malay...
 
wag sanang magngalit ang dakilang tubig...
kami'y makakaraos din...
 
-naisulat sa kalagitnaan ng byahe mula batangas pier papuntang abra...
 
-mj
magpapasko...

Posted at 01:44 am by miyaka_14
Make a comment  





This is a compilation of poems, literature and sentiments of me and the people close to my heart.


   





<< August 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed